'Daddy cop' ni Baste COVID-19 survivor: Back to work na po si Papa Sol | Bandera

‘Daddy cop’ ni Baste COVID-19 survivor: Back to work na po si Papa Sol

Ervin Santiago - April 23, 2020 - 09:36 AM

MASAYANG ibinalita ng Eat Bulaga Dabarkads na si Baeby Baste na naka-survive rin sa COVID-19 ang tatay niyang pulis.

Isang frontliner mula sa Philippine National Police ang Papa Sol ni Baeby Baste o Sebastian Benedict Granfon sa tunay na buhay, kaya matagal-tagal na rin na hindi niya nakakasama ang kanyang pamilya.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ng pinakabatang host ng Eat Bulaga na naka-recover na si Papa Sol mula sa 2019 coronavirus disease at muli na itong sasabak sa trabaho bilang frontliner.

“Back to work na po si Papa Sol. Thank you Lord God. Thank you po sa prayers n’yo dabarkads,” caption ni Baste sa Instagram photo ng kanyang tatay na pulis.

“My papa is a FRONTLINER. We miss you and love you, Pa. Sana po gumaling na din po mga kasamahan nya sa Isolation Bldg. ng Camp Crame at sa lahat po ng mga lumalaban sa virus, naway papagalingin na po kayo ni Lord. #PNPcovidpositive #weHEALasONE,” mensahe pa ng bagets.

Hindi lang ang ama ni Baste ang maituturing na bayani ngayong panahon ng krisis sa bansa kundi pati na rin ang kanyang anak dahil tumutulong din ang bata sa mga apektado ng lockdown dulot ng COVID-19.

Kamakailan lang ay nagbigay ng donasyon sina Baste sa PNP frontliners kabilang na ang pagkain at medical supplies.

“Para sa atong mga dabarkads nga PNP frontliners. Daghang salamat po sa inyong pag serbisyo para sa katawhang Pilipino. 

“Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapag bigay ng ngiti po ito sa inyo… ipag-pray ko po kayong lahat,” mensahe pa ni Baste.

Sa isa pa niyang post, ipinakita ng Kapuso child star ang litrato ng unang donasyon na kanilang ipinamahagi.

“1st BATCH…. for our Covid-19 positive PNP Frontliners sa Camp Crame… isa po dun si Papa Sol ko. Kaya po here’s a little something for them para malaman nila kahit nasa isolation bldg. po sila, na they are loved and we are thankful for their service….” caption ni Baste.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending