Gumaling sa COVID-19 na nagpositibo uli di na nakakahawa
INANUSYO ng mga health authorities sa South Korea na hindi na maaaring makahawa pa ang mga pasyente na nagpositibo muli sa COVID-19 matapos ideklara na virus-free.
Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, sinuri nila ang anim na pasyente na muling nagkasakit at magnegatibo ang mga ito sa virus cultivation test.
Mayroong 207 pasyente na nagpositibo nang ikalawang beses makaraang gumaling.
“Even though they tested positive for the virus that they showed to be negative after the virus was separated and cultivated separately has led us to believe they have little or no infectivity,” ani KCDC Director General Jeong Eun-kyeong.
Samantala, lumabas din sa mga pagsusuri na 25 survivor ang nagkaroon ng antibodies makaraan nilang magkasakit.
Sa bilang, 12, o 48 porsyento ang muling nagpositibo sa genetic testing.
“We speculate the duration in which the virus remains in patients’ body differs case by case, even though they have developed antibodies. Additional research is underway,” ani Jeong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.