2 kawal, NPA leader patay sa bakbakan | Bandera

2 kawal, NPA leader patay sa bakbakan

John Roson - April 22, 2020 - 03:52 PM

NPA

DALAWANG sundalo at isang lokal na lider ng New People’s Army ang nasawi sa magkahiwalay na engkuwentro sa Aurora at Agusan del Norte, ayon sa militar Miyerkules.

Nasawi sina Pfc. Ken Lester Sasapan at Pfc. Jackson Mallari, kapwa ng 91st Infantry Battalion, nang paputukan ng mga rebelde sa bayan ng Maria Aurora, Aurora, nitong Martes, ayon sa ulat ng Army 7th Infantry Division.

Bukod sa kanila’y may tatlo pang kawal na bahagyang nasugatan.

Nagsimula ang sagupaan sa Brgy. Diaat alas-12 ng tanghali, at tumagal nang isang oras.

Nagpapatrolya ang team ng 91st IB bilang security measure para sa pamumudmod ng perang mula sa Special Amelioration Program (SAP), nang paputukan ng mga rebelde, ayon sa ulat.

“We received prior information that they will demand percentage of the SAP that will be given… Imbes na tumulong sa mga tao ngayong panahon ng krisis, mas nais pa ng mga teroristang NPA na ito na gumawa ng gulo at makikihati pa sa mga tatanggaping tulong ng ating mga kababayan,” sabi ni Lt. Col. Reandrew Rubio, commander ng 91st IB.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Brig. General Alfredo Rosario Jr., commander ng 7th ID, sa mga naulila ng mga nasawi, at tiniyak na pananagutin ang mga rebelde.

Samantala, isang lokal na lider ng NPA ang napatay at tatlo niyang tagasunod ang nadakip sa magkakasunod na engkuwentro sa Kitcharao, Agusan del Norte.

Nakilala ang napatay bilang si Kevin Caballero alyas “Banjo,” isang vice leader ng lokal na unit ng NPA, ayon kay Lt. Col. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Armed Forces Eastern Mindanao Command.

Napatay si Caballero nang makasagupa ng 29th Infantry Battalion ang kanyang unit, sa Brgy. Bangayan, alas-11:40 ng umaga Lunes.

Bukod sa bangkay ng nasawing rebelde’y nakarekober ang mga kawal ng isang M4 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher, at isang switch ng landmine.

Ilang oras bago iyon, dakong alas-5:30, nakasagupa din ng 29th IB ang aabot sa 20 rebeldeng pinamunuan ni Caballero sa ibang bahagi ng barangay.

Nakubkob ng mga kawal ang pinagkutaan ng NPA doon, naaresto ang tatlong rebelde, at nasagip ang kasama nilang 9-anyos na bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dakong alas-3 ng hapon ay nakasagupa ulit ng mga sundalo ang mga rebelde sa Kitcharao, at nakarekober ng isang AK-47 rifle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending