Bitoy sa Pinoy frontliners: Hindi ko kaya ang ginagawa nila!  | Bandera

Bitoy sa Pinoy frontliners: Hindi ko kaya ang ginagawa nila! 

Ervin Santiago - April 22, 2020 - 03:34 PM

MICHAEL V

AMINADO ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V na ibang klaseng kabayanihan ang ipinakikita ng mga medical frontliners at healthcare workers ngayong panahon ng krisis.

Ayon kay Bitoy, walang makapapantay ngayon sa ginagawang sakripisyo ng mga frontliner para labanan ang COVID-19 sa bansa.

Kaya naman isang kanta ang iniaalay nila para sa mga ito bilang pagsaludo at pagkilala sa kanilang kabayanihan.

May titulong “Dakila Ka, Bayani Ka”, ito’y inawit ng halos 40 Pinoy artist kabilang na nga si Bitoy. Ito ay nilikha ni Arnie Mendranos.

“Inspiration ko talaga ‘yung mga frontliner natin. ‘Yung greatness nila, ‘yung heroism and ‘yung sacrifices nila,” pahayag ni Arnie sa panayam ng GMA 7.

Agad namang pumayag si Bitoy na maging bahagi ng nasabing proyekto, “Feeling ko wala akong magagawa against this and from where I am. 

“Kaya ko mag-record, kaya ko mag-send ng files, pero ‘yung tipong ginagawa ng mga frontliners, hindi ko kaya.

“Kaya nu’ng sinabihan ako ni Albert kung available ako, sabi ko, ‘Oo naman. Sino bang hindi available ngayon,’” lahad pa ng Kapuso comedian.

Mas naging mapuso pa raw ang kanta dahil kasama rin sa mga umawit si Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones at ang musikerong si Ricky Gonzales na parehong tinamaan ng virus na magaling na rin ngayon.

“Nagkaroon ng impact at meaning ‘yung kanta dahil talagang sila mismo, na-experience nila ang kadakilaan at kabayanihan ng mga frontliner natin,” pahayag ni Bitoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending