11 kalaboso sa P204K shabu | Bandera

11 kalaboso sa P204K shabu

- April 22, 2020 - 01:40 PM

NASAKOTE ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon ang 11 katao at nasamsam ang kabuuang P204,000 halaga ng droga sa Quezon City.

Nahuli ng Talipapa Police sa buy bust operation si Nico Guarin, 28, at Isang Hylil, 46, alas-7:50 kagabi sa Tandang Sora Ave., Brgy. Sangandaan. Nakuha umano sa kanya ang P47,600 halaga ng shabu.

Sa isa pang operasyon ay nahuli naman sina Renato Cawa, 39, Elmer Masirag, 32, Jimmy Bautista, 52, Mark Manzon Tomes, 31, at Orlando Yarcia, 38, alas-10 kagabi sa Congressional Extn. Purok 4-A Brgy. Culiat. Nasamsam umano sa kanila ang pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.

Naaresto naman ng Masambong Police sina Garry Paynor, 35, at Glenn Juan Gonzales 39, alas-3:50 ng hapon kahapon sa Gordon st., Brgy. Mariblo. Limang sachet ng shabu umano ang narekober sa kanila at nagkakahalaga ito ng P47,600.

Nahuli naman ng Fairview Police si Rudy Masamoc, alas-7:30 kagabi sa Camaro st., Brgy. Greater Fairview, at nakuha sa kanya ang P40,800 halaga ng shabu.

Anonas Police naman ang umaresto kay Jaime Lorena Jr., 32, alas-6 kagabi sa Dahlia st., Brgy. Old Capitol Site.

Narekober umano sa kanya ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending