KALABOSO ang dalawang lalaki na nahulihan umano ng kahon-kahong alak sa Quezon City kahapon.
Inaresto sina Joseph Christian Elanga, 29, at Patrick Velasco, 21, mga residente ng Villamor Airbase, Pasay City dahil sa paglabag sa Liquor ban na ipinatutupad ng lungsod.
Alas-3:40 ng hapon ng dumaan umano ang Mitsubishi L300 (B2 Y367) sa Enhanced Community Quarantine Checkpoint sa KM 10, NLEX North Bound, Boundary, Brgy. Balon Bato.
Nang usisain ang mga kahon ay nakita ang mga alak.
Nasamsam ng otoridad ang 20 kahon na may lamang 338 bote ng San Valley Wine and Genesis, tatlong kahon na may lamang 36 bote ng Jules Taylor wine, dalawang kahon na may lamang 432 bote ng of Square Vodka, at dalawang kahon na may laman na walong bote ng iba’t ibang alak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.