Angeline inulan ng batikos dahil sa dami ng pagkain sa lamesa | Bandera

Angeline inulan ng batikos dahil sa dami ng pagkain sa lamesa

Alex Brosas - April 21, 2020 - 02:57 PM

SLIGHTLY ay na-bash si Angeline Quinto for posting uncooked food on her table.

Ang feeling ng basher ay napaka-insensitive ng singer sa panahong marami ang naghihirap ngayon dahil sa perwisyong COVID-19.

“Ang dami naman pong deliver.

Maraming salamat po Ate Mylene at

Ate Akisha Tanaka. Thank you Jeby @jebycayabyab,” caption ni Angeline sa kanyang Instagram photo. 

Nag-react naman ang mga bashers as reported by a website.

“Don’t be selfish. All the wealthy people this is the time you take action spread your love spread your wealth.”

“Ur lucky to have that in your table. madami ngayon naghihirap sa pagkain, tubig etc.”

“Iba ngayon one day isang kain na lang dahil napakahirap ng buhay.”

“Ang mga kababayan natin ngayong ECQ walang sila makain. You’re lucky Angeline.”

“Habang ang lahat ay nag hihirap at walang makain, ikaw papost post lang ng pagkain.”

Marami rin naman ang natuwa sa post na iyon ni Angeline.

“Ang yamen ng pag kaen ang sarap.”

“Sana all maraming pagkain.”

“Wow apakadami. stay healthy.”

“Paaaakkk ang bongga.”

Sinagot ni Angeline ng isang basher who said, “Alam namin na pinaghirapan ninyo ang mga tinatamasa ninyong karangyaan ngayon pero sa  panahong ganito na ang mga pangkaraniwang tao  na dahilan kung bakit kayo yumaman ay sana wag na idisplay  pa ang mga karangyaan ninyo.

“Lalo na sa mga pagkain sa panahong ang pinagkakasya nila ay ang mga relief na sardaraw.  sardines at noodles lang araw araw.  Salamat at sana maintindihan po,” comment pa ng netizen.

“Naintindihan po namin. Hindi po nawawala sa isip namin yan. Nais lamang din po naming  pasalamatan ang mga taong  nagbigay din sa akin. Hindi naman po siguro masama yun. At hindi ko naman po hinayaan  na ang lahat ng ibinigay sa amin ay hindi ko maibabahagi  sa iba. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Opo marami pong pagkain  ang nakikita niyo sa post na ito, pero halos ang iba po dyan ay nailuto ko na po at naipamigay din sa ibang mga pulis at security guards na halos bente kwatro oras na nagtatrabaho sa labas. 

“Hindi ko na po kailangang sabihin ito, pero para din po maintindihan ng bawat isa. Salamat po sa inyo,” came Angeline’s reply.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending