Alok ni Duterte: P10M reward sa makakadiskubre ng Covid-19 vaccine | Bandera

Alok ni Duterte: P10M reward sa makakadiskubre ng Covid-19 vaccine

Djan Magbanua - April 21, 2020 - 01:52 PM

MAGBIBIGAY si Pangulong Duterte ng P10 milyong pabuya sa kung sino mang Pilipino ang makakadiskubre ng vaccine laban sa coronavirus disease o COVID-19

Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa online press briefing Martes ng umaga.

“Unang una, dahil nga po public enemy po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang P10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19.” aniya.

Samantala, bibigyan naman ng grant ang University of the Philippines at Philippine General Hospital para makatulong sa pag-develop nila ng vaccine. Hindi naman sinabi ni Roque kung magkano ang grant na ito.

Sa ngayon, convalescent plasma ang sinusubukan ngayon ng PGH para sa mga pasyenteng may COVID-19, kung saan ang dinonate na dugo ng mga survivor ng sakit na ito ay ibibigay sa infected para sila ay matulungang makarecover.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending