True ba...Kim, Angelica, Maris bawal nang pumunta sa Mindanao?  | Bandera

True ba…Kim, Angelica, Maris bawal nang pumunta sa Mindanao? 

Julie Bonifacio - April 21, 2020 - 10:28 AM

KUMALAT sa social media ang isang headline na nagsasabing banned sa Mindanao ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Maris Racal at Kim Chiu.

    Ayon sa ulat, ang mga “citizen” ng Mindanao diumano ang naghayag na i-ban sa kanilang lugar ang tatlong Kapamilya stars dahil sa pambabatikos umano ng mga ito kay President Rodrigo Duterte.

  Hindi raw kasi nila binigyang respeto ang Pangulo na tubong-Davao City na bahagi ng Mindanao. 

   Bukod kina Angelica, Kim at Maris, kasama rin sa listahan ng mga artistang banned diumano sa Mindanao sina Agot Isidro at Gab Valenciano. 

    Matatandaan na inulan ng basher si Kim sa kanyang social media accounts pagkatapos maakusahan na bina-bash daw niya si President Duterte.

    “I never bashed the President. Please know everything muna bago kayo mam bash dito sa page ko! And PLEASE! PLEASE! STOP THE  HATE,” post ni Kim.

     Nag-ugat ang pamba-bash kay Kim pagkatapos niyang mag-react sa napaulat na NBI investigation kay Pasig City Mayor Vico Sotto at sa comment niya sa mga nahuling nagra-rally sa Sitio San Roque sa Kyusi.

    Pagkatapos ay idinawit na ng ilang netizens si Kim sa pagpapatalsik daw kay Duterte.  Say naman ng aktres, “Di ko nga alam ibig sabihin ng oust oust na yan eh.”

    Si Angelica naman ay humingi ng sorry sa taong-bayan sa ginawa niyang page-endorso kay Duterte during the national election nu’ng 2016.

   Tulad nina Kim at Angelica,  nag-post din si Maris ng kanyang damdamin sa nangyayari sa bansa.

   May nabasa pa kami sa social media na may bantang babatuhin daw ng durian si Maris sa kanyang mall show sa Gaisano Grand Citygate na nakatakda sa June 30.

    Aware kaya ang mga nabanggit na Kapamilya stars sa balitang ito? O ang dapat na tanong, totoo kaya ang pag-ban sa kanila sa Mindanao? Baka naman isa rin itong fake news na hindi dapat paniwalaan?

   Sa pagkakaalam namin noon pa man ay hindi na talaga pinapayagan na tumanggap ang Star Magic (talent management ng mga nabanggit na Kapamilya stars) ng “raket” o offer na mag-perform sila sa Mindanao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    So, kahit naman pala i-ban pa sina Angelica, Maris at Kim sa Mindanao parang wa epek din.

                              

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending