Viral audio ni ‘Jessica Soho’ tungkol sa ‘martial law’ fake!
PATI ang broadcast journalist na si Jessica Soho ay nagamit na rin sa pagpapakalat ng fake news sa gitna ng pakikipaglaban ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Isang audio recording ang kumalat sa social media at ilang chat groups na umano’y boses daw ni Jessica na nananawagan sa publiko na mag-stock na ng maraming supply ng food.
Ito’y dahil anumang oras daw ay idedeklara na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “martial law” o “total lockdown.”
“Everybody, please listen. Just in case lang, if you have time tomorrow, a, to go out, mag-stock kayo ng food, okay, that will last for a few, for a week, or that will last until the 30th.
“Wala namang masama kung mag-i-stock kayo ng food.
“In case na mag-announce si Duterte ng martial law, ng total lockdown, or martial law, kung hindi Monday, Tuesday. ‘Pag mag-announce na siya, it will last hanggang atrenta.
“Meaning, as in totally, hindi na talaga tayo puwedeng lumabas, wala na talagang puwedeng makalabas,” ang maririnig na mensahe sa nasabing audio recording.
Naglabas agad ng official statement ang GMA 7 tungkol dito at mariing dinenay na ang host ng Kapuso Mo Jessica Soho ang nagmamay-ari ng boses sa nasabing recording
“Isang audio clip na mula umano kay Jessica Soho ang kumakalat ngayon sa mga chat group at social media.
“Sa naturang voice clip, isang babae ang nagbabala tungkol sa mga magiging kaganapan sa COVID-19 quarantine.
“Nililinaw ng GMA News and Public Affairs na hindi si Ms. Jessica Soho ang babae na nasa audio clip.
“Hindi rin gumagawa ng ganoong pahayag si Ms. Soho. Nanawagan po kami sa publiko na huwag nang i-share ang voice clip, na maaaring magdala ng kalituhan sa mga tao.”
Maaaring kasuhan ang sinumang mapatutunayang nagpapakalat ng fake news base sa na rin sa isang probisyon sa pinirmahang batas ni Pangulong Duterte, ang Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11468).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.