‘Spaghetti’ ni Rochelle para maging hot mama; Valeen may free online workout class
NUMBER one pa rin sa listahan ng mga dapat tandaan habang naka-lockdown ang bansa dulot ng health crisis ay ang panatilihing fit at malusog ang pangangatawan.
Yan din ang laging paalala ng Bubble Gang star na si Valeen Montenegro na namimigay ngayon ng free online workout classes sa kanyang followers sa Instagram at maging sa video conferencing app na Zoom.
Mapapansin ang workout videos ni Valeen sa kanyang Instragram page na humihikayat sa lahat na manatiling aktibo kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang bansa.
“Hopefully I was of great help to everyone this quarantine period. Thank you all for trusting me in leading your workouts kahit team replay kayo,” pahayag ni Valeen.
Kapansin-pansin naman na marami ang nahihikayat ng Kapuso star na mag-work out at masipag din nitong nirerepost ang mga nagta-tag sa kanyang followers na sumusunod sa kanyang pageehersisyo.
“Lagi ko po ginagawa ang mga workout niyo. May nakikita na po ako improvement sa body ko. Thank you big help po to!”
Samantala, mapapanood pa rin si Valeen kasama ang kanyang kwelang squad sa longest-running comedy program na Bubble Gang tuwing Biyernes sa GMA.
* * *
Sa latest YouTube video naman ng “The Solinaps”, ibinahagi ng former SexBomb leader na si Rochelle Pangilinan ang kanyang 5-minute full-body home workout.
Aliw ang hit song ng all-girl group na “Spaghetti” bilang kanta na ginamit niya pang-workout para maging fun ang cardio at dumbbell exercises.
Sey ng kanilang subscribers, buong video raw ay nakangiti sila at request nila’y more fun workouts pa raw sana ang i-upload ni Rochelle.
In fairness, kahit mommy na ay napapanatili pa rin ng misis ni Pepito Manaloto star Arthur Solinap ang kanyang kaseksihan kaya maraming nanay ang nai-inspire sa kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.