Kiray Celis kay Mr. Right: Worth it lahat ng sakit, iyak ko sa maling tao... | Bandera

Kiray Celis kay Mr. Right: Worth it lahat ng sakit, iyak ko sa maling tao…

Ervin Santiago - April 19, 2020 - 03:06 PM

“WORTH it lahat ng sakit!”

Ibinandera ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis ang pagmamahal at pasasalamat sa bago niyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Ayon kay Kiray, sulit na sulit ang pinagdaanan niyang mga pagsubok sa kanyang past relationship dahil natagpuan at ibinigay na sa kanya  si Mr. Right.

Nag-post ang dalaga sa Instagram ng sweet photo nila ng boyfriend kasabay ng mensahe niya rito bilang pag-appreciate sa mga ginagawa ng binata para sa kanya.

Ani Kiray, “Worth it lahat ng sakit, iyak at lungkot ko sa maling tao…

“Kasi BAWING BAWI ng TAMANG TAO. Appreciation post sa aking boyfriend. I love you, @stephan.estopia!

“P.S… hindi kita ipagpapalit kila Captain america, zac efron, hyunbin, lee dong-wook,” pahayag pa ng komedyana.

Pinusuan at ni-like naman ito ng libu-libong IG followers ng dalaga at nangakong ipagdarasal na sana nga’y sila na ni Stephan ang itinakda sa isa’t isa.

May mga nagkomento naman na ramdam na ramdam nila ang pagmamahal ng binata kay Kiray kaya sana nga ay sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang relasyon. Pero siyempre, kung may natuwa, meron ding nangnega kay Kiray.

Kamakailan, isang tula ang ipinost ng aktres sa IG tungkol sa isang taong pa-victim pero ang totoo’y siya ang nanakit at nangloko.

Narito ang kabuuan ng tula ni Kiray: “Tula para sa mga taong nasasaktan dahil iniwan at hindi nila matanggap sa sarili nila na SILA MISMO ang dahilan.

“Dahil hindi naman lahat ng hiniwalayan, niloko at sinaktan. Minsan sila yung dahilan. Kaya gumagawa sila ng kwento sa ibang tao para sa kanilang kahihiyan.

“Hindi ka makapaniwala na wala na? Hindi mo lubos maisip na bumitaw na siya? Ang sakit ba? Baka karma mo na. Kasi hindi mo matanggap sa sarili mo na nagloko ka. O sinasakal mo siya?

“Dahil minsan, kung siya pa yung maraming ipinagbabawal, yun pa yung kusang gumagawa ng bawal. Takot sa sariling multo? Takot maloko? Kasi gawain mo? Ano nga ba ang totoo? Ang hirap bang aminin sa taong mahal mo, o sa sarili mo mismo?

“Pero bakit kung sino yung nang iwan mukhang sila lagi yung may kasalanan? Porket ba siya yung bumitaw? At hindi na niya kayang makasama ka araw araw? Lahat tayo may dahilan. Lahat tayong pwedeng masaktan. Babae, lalaki, tomboy o bakla ka man, pwede mo yung maramdaman.

“Sa mga taong niloloko pero hindi kayang lumayo, wag kayong manghinayang sa tagal ng pagsasama niyo. Oo mahirap magsimula ulit sa panibagong tao. Pero mas mahirap magstay sa maling tao habang patuloy ka niyang niloloko.

“Para sa mga taong ginawang mukhang masama, hayaan niyo lang sila magsalita. Alam niyo kung anong totoo kwento. Kaya deserve niyong mahalin ng totoo. Kaya ituloy niyo lang ang pagiging positibo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At para sa mga taong iniwan dahil sila yung dahilan, ang una mong gawin, tanggapin mo yung sarili mo. At wag mong isisi sa iba yung mali mo.

“Oo walang taong perpekto. Pero hindi ibig sabihin nun pwede kana magloko. Matuto ka sa iyong pagkakamali. Para dumating yung taong para sayo at hindi ka na iwan ulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending