Kim lumabas ng bahay: Para tayong nasa pelikula, hindi alam ang ending…
SA muling paglabas ng bahay ni Kim Chiu makalipas ang isang buwang lockdown, naikumpara niya sa isang pelikula ang nagaganap na health crisis ngayon sa buong mundo.
Ayon sa Kapamilya actress, kinailangan niyang lumabas dahil may mahalaga siyang dapat gawin sa gitna ng ipatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Siniguro naman ng dalaga na protektado siya nang bonggang-bongga paglabas ng bahay para masigurong hindi siya kakapitan ng killer virus.
Ipinost ni Kim sa Instagram ang fully-protected niyang mukha na kuha sa loob ng kanyang sasakyan.
Nilagyan niya ito ng caption na, “When you have no choice but must go out after almost a month to do an important errand. 1 person per house.
“Get a quarantine pass at the barangay hall, mask faceshield, gloves, alcohol.
“#quarantinestory — it feels different. It’s like we are in a movie and we don’t know what’s the ending.
‘Sana may fast forward button para matapos nato kaagad just like when you’re watching it. Keep safe everyone!!!!” aniya pa.
Natigil din ang taping ng serye nila ng boyfriend na si Xian Lim na “Love Thy Woman” dahil nga sa lockdown. Sa ngayon, bukod sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng ECQ, panay-panay din ang workout ni Kim at nahihilig na rin siya sa TikTok.
Ibinahagi pa niya sa IG ang isang TikTok video niya habang nagwo-workout, “When weights gone wrong! #tiktokers thinking of doing a workout video on my channel.
“Hope everyone is doing okay. Day something of quarantine, not counting the days anymore! just thankful for waking up healthy everyday! lets keep praying mas dumadami na ang recoveries than death! praise God!
“Can’t wait for this to be over! #faithoverfear Stay healthy everyone!!! STRONG MIND! STRONG BODY!!!! STRONG IMMUNE SYSTEM!” caption niya sa video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.