WALANG plano si Pangulong Duterte na palawigin hanggang kalagitnaan ng Mayo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson Karlo Nograles.
Itinanggi ni Nograles ang mga ulat na sinabi niya umano sa mga negosyante na may balak si Dutere na i-extend ang ECQ hanggang Mayo.
“Nako, napakalayo sa katotothanan. This is totally false, totally, untrue, totally fake. So ‘wag na po natin patulan ‘yan. Fake, false, untrue. Totally,” giit ng IATF spokesperson.
Matatandaang pinalawig ni Duterte hanggang Abril 30 ang ECQ, na matatapos sana noong Abril 13, dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.