Magkaka-COVID-19 dadami kung mall bubuksan | Bandera

Magkaka-COVID-19 dadami kung mall bubuksan

- April 18, 2020 - 10:57 AM

Mall

NANINIWALA si COVID-19 czar Secretary Carlito Galvez Jr. na mas maraming Pilipino ang dadapuan ng virus kung bubuksan muli ang mga mall sa bansa.

Ani Galvez sa panayam ng Dobol B sa News TV: “Sa personal opinion ko, kapag binuksan agad natin ang mga mall posibleng magkaroon ng second wave ng COVID-19.

Ito ang naging tugon ni Galvez sa suhestiyon ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na maaaring simulan na ang unti-unting pagbubukas ng mga mall.

Nais din ni Concepcion na pumasada na ang mga pampublikong sasakyan, buksan ang mga pabrika at ipagpatuloy ang pagtatayo ng mga gusali.

Hindi naman pabor dito si Galvez, na sinabing napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na hindi pwedeng madaliin ang pagbabalik sa normal ng buhay ng mga Pinoy.

“Kapag binuksan natin ang lahat ng negosyo maaaring malagay sa [panganib] ang kalusugan ng mamayan,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending