Palasyo kinondena ang pag-atake ng Abu Sayyaf sa Sulu kung saan 11 sundalo ang nasawi
KINONDENA ng Palasyo ang pag-atake ng teroristang grupong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu kung saan 11 sundalo ang namatay at 14 na iba pa ang nasugatan.
“We condemn in the strongest possible terms the latest incident in Patikul, Sulu, where members of the Abu Sayyaf Group (ASG) believed to be under ASG leader Radullan Sahiron and Hatib Hadjan Sawadjaan attacked government troops resulting in a firefight, which left 11 soldiers killed and 14 wounded,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Idinagdag ni Roque na ito na ang pangalawang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng ng teroristang grupo.
Ayon kay Roque, ang una ay noong Abril 16 kung saan tatlong kawal ang nasugatan.
“The Office of the President expresses its sincerest condolences to the bereaved families left behind by our brave soldiers who fought hard and paid the ultimate sacrifice to secure our community. We honor and pray for the fallen,” dagdag ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na walang pinipiling oras at okasyon ang bandidong Abu Sayyaf sa harap naman ng pagiging abala ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“They strike even during this time of great pandemic. But let this serve as a warning to all: Our authorities remain ready and prepared to crush the enemies of the government and quell any armed attack amid the existing state of calamity and public health emergency,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.