Mavy, Cassy pinanggigilan ng netizens; Nura-Velma rivalry mas pinatindi
BUHAY na buhay pa rin ang Nora-Vilma rivalry, but this time as iconic impersonators Nura (Teri Onor) and Velma (DJ Onse) are concerned.
Watch them as they battle it out sa cooking challenge sa episode (replay) ng Sarap ‘Di Ba? via kampi-kampihan. Magka-tandem sina Nura-Mavy versus Velma-Cassy as they prepare Chef Ed Bugia’s Pinakbet Risotto (Ilocano-Italian combined?) for the vegans out there.
Samantala, abangan ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie San Jose with her kind of music and surprises for her fans. Kaya mga Kapuso, stay home and watch Sarap ‘Di Ba?! every Saturday morning sa GMA 7.
Meanwhile, may pagkakahawig man sa itsura ang celebrity twins na sina Mavy at Cassy, magkalayo naman ang kanilang personality noong baby pa sila.
Sa throwback video na ipinost ni Cassy sa kanyang Instagram, habang nakangiti ang kambal nitong si Mavy ay nakabusangot naman ang mukha ni Cassy.
“A happy baby Mavy…then there’s me, a grumpy baby Cassy,” sabi ng Kapuso star sa kanyang caption.
Pinanggigilan naman ng netizens ang super adorable video ni Cassy maging ng kapwa artists na sina Kyline Alcantara, Rodjun Cruz, Thia Thomalla at Pamela Prinster.
Nirepost naman ng kanilang supportive mom na si Carmina Villaroel ang naturang video na pinagpiyestahan din ng kanyang followers, “Oh my they were so adorable as babies especially now that they’re grown ups.”
* * *
Indeed, love transcends boundaries.
Narating na rin ng kampanyang “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN ang mga karatig na probinsya tulad ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal para sa ating mga kababayang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon bunga ng pandemic.
Mula nang inilunsad ang “Pantawid ng Pag-ibig” noong Marso 19, nakaikot na ang ABS-CBN sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila upang maghatid ng mga pagkain at pangangailangan sa araw-araw as prepared by the local government units.
Name it, ABS-CBN has scoured Caloocan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig at Valenzuela.
Noong Abril 7, umabot na sa P324.5 milyon ang nakalap nilang donasyon, P265.7M of which ang nagamit na sa pagbili ng mga produkto. Sa ngayon, P134 milyong halaga ng produkto na ang naipasa sa mga LGU for distribution.
Nagpapasalamat ang network sa tiwala at suporta ng mga Kapamilya na patuloy na nagmamalasakit sa kapwa Pilipino lalo na sa panahong ito, ang pakikiisa ng LGUs, Armed Forces of the Philippines, at mga pribadong kumpanya na katuwang nito sa pagtulong sa mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay at hirap kumita.
Bukod sa Pantawid ng Pag-ibig, nakapaghatid na rin ng tulong ang ABS-CBN sa 57 ospital na nangangailangan ng mga kagamitang medikal at pamproteksyon sa kanilang patuloy na pagkalinga sa mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.