DALAWANG tao ang naaresto at aabot sa P8.8 milyon halaga ng marijuana ang nasamsam nang salakayin ng mga awtoridad ang mga plantasyon sa liblib na bahagi ng Balamban, Cebu, Biyernes ng umaga.
Nakilala ang mga nadakip bilang sina Albert Medio at Renald Baguio, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas.
Dalawa pang umano’y caretaker o cultivator ang nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.
Sinalakay ng mga tauhan ng Cebu provincial police, Balamban Police, Regional Mobile Force Battalion, at PDEA-Cebu ang tatlong plantation site sa Sitio Lacdon, Brgy. Cabasiangan, dakong alas-7:30.
Humigit-kumulang 22,200 fully-grown marijuana ang nasamsam sa tatlong plantation site, ayon sa ulat.
Sinunog sa mga plantasyon ang karamihan sa mga nakumpiskang halaman, habang ilan ay itinabi para magamit na ebidensya laban sa mga suspek.
Hinahandaan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.