Dimples Romana dumepensa sa Tiktokers: Kung iyon ang nagpapasaya sa ‘yo…
IPINAGTANGGOL ni Dimples Romana ang mga TikTok users na usung-uso ngayon sa social media habang patuloy na ipinatutupad ang lockdown sa bansa.
Kung marami ang natutuwa at naaaliw sa mga paandar at gimik ng mga TikTokers, may mga bumabatikos din dito lalo na yung mga hindi makita ang kahalagahan at kabutihang idinudulot nito sa panahon ng krisis.
Ipinaliwanag ni Dimples sa April 16 episode ng #KuwentuhanLang, isang online fundraiser na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga movie industry workers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lockdown.
“Ang gandang isipin na nakakapag-express tayo ng mga sarili natin that freely. It’s very strange now, the times.
“Kumbaga, nasa bahay ka. If you’re a creator by heart and you’re an artist by heart, naghahanap lagi iyon ng lalabasan na medium. I’m just so happy that we have online to share that kind of creation,” chika ng Kapamilya actress.
Pagpapatuloy pa niya, “We all cope differently. Especially now, we have to take care of our mental health also, hindi lang ‘yung katawan natin. Dapat pati ‘yung pag-iisip mo inaalagaan mo.
“Kailangan, kung iyon ang nagpapasaya sa ‘yo at this point, OK. Ako, support ako sa ganyan,” aniya pa.
Dugtong pa ni Dimples, “Kapag hindi ka makatulog, magkakasakit ka, iyon nga ang ayaw natin, di ba, ‘yung magkakasakit tayo. Kung ‘yung mga ganitong paraan of creating ay aayon sa kanila, I fully support.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.