Lucky Shot by Barry Pascua
MAY foul ba o wala?
Hay naku, tapos na nga ang Game Three ng best-of-seven finals ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng Purefoods Tender Juicy Giants at Alaska Milk, iyon pa rin ang pinagdidiskusyunan ng ilan sa mga fans ng magkabilang teams.
Ang tinutukoy natin ay ang foul na isinampal ni referee Raymundo Maurillo kay Joe Calvin DeVance sa huling 1.7 segundo ng Game Two. Dahil dito ay nabigyan ng dalawang free throws si Kerby Raymundo. Ipinasok niya ang una at sadyang iminintis ang ikalawa para hindi na makatawag ng timeout ang Aces. Nagwagi ang Giants, 86-85, para sa 2-0 series lead.
Natural na sumama ang loob nina Alaska Milk coach Tim Cone at team manager Joaqui trillo dahil sa pagkatalong kanilang koponan.
Sinabi pa nga ni Trillo sa mga sportswriters na naniniwala siyang hindi masaya ang Purefoods sa panalo. Pero siyempre, opinyon niya iyon.
Lahat ng nananalo ay masaya. Kahit sino’ng coach, kahit si Cone mismo, tiyak na sasabihin, “A win is a win. We’ll take this one.”
At ang mga players ay lalong masaya dahil malalaki ang kanilang won-game bonus dahil nasa Finals na ito, e.
Well, sari-sari ang kuru-kuro ng mga fans at nabasa ko ito kahapon nang buksan ko ang aking Facebook account. Kasi nga’y inilagay ng moderator ng Radyo PBA ang katanungang “Foul Or No Foul?”
Heto ang comment ng ilan:
Hanz Fermanejo NO FOUL..!!MASYADO MANIPIS ANG TAWAG NG REF.!!NO CALL NA DAPAT…YUN
Mark Anthony Diaz no foul… ref ang ngdecide ng game hindi yung player..
Benson Ongsiaco let go situation na dapat yun….WTF!!!! stupid call by the refs!!!i saw it live.how can alaska win,when the refs are the sixth man of the giants inside the court…………..
Kristoffer Manlapaz no foul…no brainer….
Patrick Gumasing no foul..khit purefoods ang gusto ko manalo..let go na ung ganon
Vency Arago foul or no foul, should have been a let go situation.
Patrick Gumasing no foul un…new ref lang si mau kya kylangan nya ng practice pa..pang elim lang sya
Andre Rodriguez Manzano it was a clear foul! alaska should stop complaining, they should have won it if not for their stupid plays down the stretch… 14pt lead with 5 mins left and they lost??? DAMN!
now how would everyone react if the refs didn’t call that foul??? JEEZ!
foul has been called… purefoods won… now let’s all go ahead with it and look forward to tomorrows 3rd game. enough of those bickering…
Adolfo Alejo bakit ayaw tanggapin nang fans nang alaska right call yon foul talaga nasa harap ang ref. karamihan yata alaska d marunong maglaro basketball bakit d kayo mag protest dahil alam nyo na tama takot mapahiya kyo.
Bimbo P. De Padua a foul is a foul! wheter end game or not, kumagat c devance sa fake kaya sumabit sya pag tira ni kerby.. mailaw un!
Francis Kiko Malicdem personally it should be a let go situation. but kung foul or no foul. i think may foul yun. what i don’t like is the accusation that pfoods needed the help of the refs to win which i think is unfair. they erased the 14 point lead on their own.
Ano sa tingin ninyo?
BANDERA Sports, 030110
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.