ISANG doktor sa Dasmariñas na lumalaban sa coronavirus disease 2019 ang pumanaw.
“The province has lost a son to this pandemic,” ani Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., na nakiramay sa pamilya ni Dr. Ronaldo Mateo, 47. “Ipinahahatid ng Pamahalaang Lungsod ang taimtim na pakikiramay sa kanyang mga kapamilya at kaibigan.”
Si Mateo ay nagtapos sa UST College of Medicine at pumanaw noong Abril 5. Isa siya sa pioneer doctors ng Pagamutan ng Dasmariñas at head ng surgery department hanggang sa siya ay pumanaw.
“Ang kanyang katapangan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang medical frontliner sa gitna ng kinakaharap na krisis ay hindi malilimutan kailanman,” ani Barzaga.
Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihang at katapatan sa trabaho, sinabi ni Barzaga na isusunod sa pangalan ni Mateo ang operating room complex ng ospital.
Sinabi ni Barzaga na nagbibigay pugay din siya sa mga medical forntliners na nagsasakripisyo ng malaki para labanan ang COVID-19.
“We feel your pain. We’ve lost one of our own in this battle. I salute all our frontliners for their bravery and sacrifice. They are putting lives on the line to save the lives of others,” ani Barzaga.
Noong Martes ay inanunsyo ng Makati Medical Center ang pagkamatay ni Dr. Roberto “Bobby” Anastacio, isang cardiovascular medicine specialist, na kasama sa mga tumitingin sa mga COVID-19 patients. Hindi nilinaw kung siya ay namatay sanhi ng COVID-19.
Isa ang naging kakulangan ng mga personal protective equipment sa sinisisi kaya nahawa ang mga health workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.