Kim Chiu may hugot COVID song; Gold Squad, Voice Kids, PBB waging-wagi  | Bandera

Kim Chiu may hugot COVID song; Gold Squad, Voice Kids, PBB waging-wagi 

Ervin Santiago - April 17, 2020 - 04:39 PM

SA patuloy na pagharap ng buong mundo sa coronavirus pandemic, may regalo si Kim Chiu na siguradong mas magpapatatag sa kalooban at pananampalataya ng bawat Pinoy.

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanyang kaarawan sa Linggo, April 19, iri-release ni Kim sa Lunes, April 20, ang  bago niyang kantang “’Wag Kang Bumitaw” mula sa Star POP na handog niya sa lahat ng mga pinanghihinaan na ng loob.

“Months ago pa namin ginawa itong kanta pero parang nag-alangan ako na i-release siya,” ani Kim.

Aniya, isang text message noong Biyernes Santo mula sa kaibigan niya na nagsabing malapit na siyang “bumitiw” ang nagpaalala sa kanya sa awitin.

“Sinabi ko sa sarili ko, ‘Parang meron akong kanta na tungkol sa hindi pagsuko.’ Pinakinggan ko ulit yung kanta tapos tinawagan ko yung producer ko si Rox Santos, tapos sinabi ko na ito na ‘yung tamang panahon para i-release ‘yung kanta,” dagdag ng Kapamilya singer-actress.

Malayo sa mga tipikal na kantang inilalabas ni Kim ang “’Wag Kang Bumitaw,” na tungkol sa pagkapit at paniniwala sa plano ng Panginoon sa harap ng maraming pagsubok na kinakaharap sa buhay.

Isinulat ni Jun Lirios ang kanta at nilapatan ng musika ni Leah Negapatan. Ipinrodyus naman ito ng head ng Star POP na si Rox Santos at in-arrange ni Michael “Cursebox” Negapatan.  

“Sana ma-inspire ‘yung mga tao sa kanta na ‘wag sumuko kahit sobrang hirap ng panahon ngayon. Mahirap ‘to pero ‘pag kasama mo ang Panginoon, matatapos din ang lahat ng ito. Manalig lang at “’Wag Kang Bumitaw,” paalala ni Kim.

Anf “’Wag Kang Bumitaw” ay mapapakinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms ngayong Lunes. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending