9 preso, 9 tauhan ng BJMP nahawa ng COVID-19
SIYAM na preso sa Quezon City at siyam na empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology ang nahawahan ng coronavirus disease 2019.
Sa isang press conference, sinabi ni BJMP spokesman Major Insp. Xavier Solda na nagsasagawa na ng contact tracing upang matukoy kung sinu-sino pa ang mga posibleng nahawahan ng naturang sakit.
“We have a team assigned to it,” ani Solda.
Ang mga preso na nagpositibo ay nasa isolation area sa Brgy. Payatas. Mayroong 21 nakakulong doon at maluwag pa ang kulungan na maaaring magdetine ng 150 katao.
“Hindi naman severe ‘yung symptoms nila. Nandoon pa rin ‘yung common symptoms na sore throat, may mga may ubo pa rin sa kanila. They were advised na mag-home quarantine muna,” ani Solda.
Nakikipag-ugnayan na ang BJMP sa Red Cross of the Philippines para agad na gumaling ang mga ito.
Ang mga tauhan naman ng BJMP ay sumasailalim sa home quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.