Duterte inatasan ang DILG na imbestigahan ang mga sangkot sa sabong at inuman | Bandera

Duterte inatasan ang DILG na imbestigahan ang mga sangkot sa sabong at inuman

Bella Cariaso - April 17, 2020 - 08:52 AM

INATASAN kagabi ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang mga sangkot sa pagsusugal at inuman, matapos namang punahin na ginamit pa ang mga natanggap na P8,000 ayuda sa gobyerno para lumabag sa umiiral na lockdown.

“I’d like the DILG to investigate sinong nagpasabong pati ‘yung nag-iinuman. Alam mo sa totoo lang ‘yung kayong nagsasabong pati nag-inuman, ibig sabihin may pera kayo,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.

Idinagdag ni Duterte na imbes na ipangkain, winaldas lamang sa sugal at alak ang ibinigay na P8,000 Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

“Do not expect any help from me. Sabihin ko talaga: you know wala, sorry na lang. May pera pala kayo pangsabong, may pera pala kayo pang-inom eh ‘di ibigay ko na lang…” dagdag ni Duterte.

 

Sa pagtaya ni Duterte, sa kabuuang nabigyan ng tulong ng pamahalaan,  20 porsiyento rito ang lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) matapos namang magsugal at mag-inuman.

“Now for those people who are identified by the barangay captains and the mayors who are violating the quarantine, pasensiya ho kayo. Help would not… Eh kung ganun may pera pala eh,” ayon pa kay Duterte.

 

Ani Duterte kulang na nga ang pondo ng gobyerno para sa kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) ay hindi pa ginagamit ng tama ng ilang nabigyan ng SAP.

“Wala na ngang pera para pang-pamilya, waldasin pa ninyo sa mga bagay ng inuman o sugal. Kaya sabi ko maabutan ko kayo, maniwala ka, itaga mo sa kung saan mo itaga ‘yan — sa bato, sa tubig — talagang sapakin kita,” sabi pa ni Duterte.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending