'Natatakot kami para kay Mystica...hindi dapat pinagmumura si Digong' | Bandera

‘Natatakot kami para kay Mystica…hindi dapat pinagmumura si Digong’

Ronnie Carrasco III - April 17, 2020 - 08:45 AM

MYSTICA

ANO’NG kaibahan ng 200 bilyong pisong pamanahagi ng gobyerno sa panahon ng krisis at ng bunganga ni Mystica?

Kung ang una’y nakalaan lang para sa poorest of the poor as in may pinipili, ang itaas namang bahagi ng mukha ng tinaguriang Split Queen ay walang pinipiling panahon.

Sa isang video na may running time na 2:40 (two minutes and 40 seconds) ay rumepeke na naman ang bibig ni Mystica kung kailan ang lahat ng mga deboto were one in observing the Lenten season.

Nagsisintir si Mystica partikular sa ipinatutupad na lockdown kung saan dumaranas na matinding gutom ang mga mamamayan.

Nasa harap siya ng isang putahe (parang tinola ang tingin namin) na nakalagay sa isang food warmer. Nakasuot lang siya ng house clothes (duster?), bahagyang nakapusod ang kanyang buhok.

Kay Mystica na rin nanggaling na minsan na raw niyang pinagmumura ang Pangulo, pero kinalauna’y nag-sorry rin.

Pero sa pagkakataong daw ito’y hindi na siya hihingi ng paumanhin. Inulan niya ng malulutong na mura ang Pangulo. Kinundena niya ang kawalan ng ayuda ng minura niyang gobyerno na nagpatupad nga ng lockdown pero wala naman daw maibigay na tulong.

But if Mustica thinks she has earned the collective admiration mula sa mga tinaguriang Dilawan ay nagkakamali siya.

Ikinahihiya pa nga ng sinumang associated sa oposisyon ang ginawa ni Mystica, na may iba namang paraan para itawid ang pagkadismaya sa gobyerno.

Hindi kailangan ni Mystica na murahin nang pagkalutung-lutong ang Presidente, wala naman siya sa isang malakihang rally kasama pa ang mga anti-Duterte.

Totoong lahat tayo’y may mga pagpuna with the way the government is mishandling the health crisis. Hindi nag-iisa si Mystica sa aspetong ‘yon.

Pero para gumawa pa ng video na pulos kahihiyan lang ang dala sa mga anti-Duterte is overstepping the mark. 

Wala sa lugar, wala rin sa tamang panahon.

Hindi na bago ang ganitong asal ni Mystica to whoever stands in her way. Ilang mga personalidad na ang inaway niya sa pamamagitan ng platform na ito only to take her words back.

At noon pa ma’y nawalan na si Mystica ng respeto’t kredibilidad na siya rin ang may kagagawan.

Kung edukada si Mystica (nag-Iingles na mali-mali naman!) the way she professes to be, hindi ang istilong ‘yon ang makakatigalgal sa kanyang kalaban, bagkus ay pagtatawanan lang siya.

Our greatest fear though is that baka isang araw ay mabalitang dinampot na lang si Mystica and is dumped somewhere. 

                                                                   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                     

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending