Vice Ganda galit na galit sa mga ‘nagnanakaw’ kay Ion Perez
HUMINGI ng tulong si Vice Ganda sa madlang pipol para mai-report sa kinauukulan ang mga magnanakaw sa social media.
Nakarating sa TV host-comedian na may mga YouTube users na nagnanakaw ng content mula sa YouTube channel ng boyfriend niyang si Ion Perez.
Ayon kay Vice, kailangang maturuan ng leksyon ang mga taong kumukuha ng video mula sa vlog channel ng mga artista at ng iba pang vloggers nang walang paalam at ipino-post sa kanilang mga YT channel at palalabasing pag-aari nioa ang mga ito.
Sa kanyang Twitter account, isinumbong ng Phenomenal Box-office Star sa kanyang followers ang pagnanakaw ng ilang vlogger sa YouTube channel ni Ion.
“Nakakaloka naman ‘yung iba na nagnanakaw nung buong video tapos pino-post sa channel nila na parang content nila! Hay!” pahayag ni Vice.
Dugtong pa niya, “I’m asking help from my Little Ponies. Please report naman ‘yung mga magnanakaw ng content ng channel ni Ion.”
Sa ngayon, malapit nang umabot sa 100,000 ang subscribers ni Ion sa YT kaya any moment ay mabibigyan na rin siya ng Silver Play Button.
Samantala, patok na patok naman sa netizens ang bagong vlog ni Ion sa YouTube.
Mapapanood dito ang ilang pinaggagawa ng magdyowa habang umiiral ang enhanced community quarantine. Si Vice Ganda mismo ang gumupit sa buhok ng kanyang boyfriend.
“Magtiwala ka lang sa akin, huwag kang kabahan. Kung puso mo nga ipinagkatiwala mo sa akin, buhok pa kaya,” hirit ni Vice kay Ion na kitang-kita ang kaba habang ginugupitan.
“Para akong nag-a-apply ng trabaho, kinakabahan,” chika ni Ion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.