Bea nanghingi ng donasyon para sa bed sheet: May hospitals sa karton sila natutulog | Bandera

Bea nanghingi ng donasyon para sa bed sheet: May hospitals sa karton sila natutulog

Ervin Santiago - April 16, 2020 - 10:10 AM

NAGLUNSAD ng bagong fundraising campaign ang grupo ni Bea Alonzo para makabili ng mga bed sheet na kailangan sa mga ospital at sleeping quarter ng mga frontline workers.

Hindi rin tumitigil ang Kapamilya actress sa pagkalap ng pondo para tuluy-tuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic lalo na sa mga healthcare workers.

Sa isang panayam, sinabi ni Bea na muling nananawagan ang kanilang charity organization na I Am Hope, sa mga nais mag-donate para sa bago nilang fundraiser na Covers of Hope dahil nga sa kakulangan ng bed sheets sa mga hospital na gumagamot sa mga COVID-19 patients.

“We were told na meron na ring shortage for bed sheets. May hospitals sa karton sila natutulog. What we want to do is donate bed sheets para may matulugan silaSana eventually, pati beds na rin kung kaya ng budget,” paliwanag ni Bea sa isang TV interview.

May kinakausap na raw silang designer na gagawa ng bed sheet mula sa mga telang nabili nila, “Right now, our budget is really limited and ngayon finally, hihingi na kami ng tulong sa public. 

“Alam naming nakakahiyang manghingi ng tulong kasi lahat tayo may personal na mga problema but if you have extra and you are interested to help, puwede ninyong bisitahin ‘yung Facebook page ng I Am Hope organization, or you can visit out Instagram page, @iamhope_org,” pahayag pa ni Bea.

Isa ang aktres sa walang tigil na gumagawa ng paraan para makatulong sa laban ng bansa kontra COVID-19. Kamakailan ay nakapag-donate na sila ng medical supplies sa mga ospital sa Metro Manila, pati na mga food packs sa iba’t ibang barangay at bahay-ampunan.

“It can be frustrating at times, but it’s also very fulfilling. Ngayon ko naramdaman ‘yung sense of community ng mga Pilipino, ‘yung bayanihan. Right now, our world needs more kindness. Gusto ko rin sabihin na sana magkaroon din tayo ng compassion,” chika pa ng aktres.

“Right now, hindi talaga nagma-matter ‘yung pera, your fame, material things. What really matters now is how you love humanity and you help each other out.

Ang hirap kasi sabihin sa ngayon dahil napapanood ko sa news na maraming nagugutom, maraming nahihirapan. 

“Pero siguro, kung gagamitin natin itong oras na ito to reflect on the things that we want to do in life, on the meaning and the purpose that we are supposed to be serving, siguro mas mapapadali,” lahad pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending