Imee kay Sec. Dominguez: Hindi panunuba ang debt moratorium! | Bandera

Imee kay Sec. Dominguez: Hindi panunuba ang debt moratorium!

- April 15, 2020 - 11:28 AM

NILINAW ngayon ni Senator Imee Marcos na ang pagpapatupad ng debt moratorium ay hindi panunuba o pagtalikod ng utang kundi pansamantalang pagpapatigil ng bayarin ng bansa dahil sa malaking problemang kinakaharap sa COVID-19.

“Bakit ba hindi maintindihan ni Secretary Dominguez ang debt moratorium? Ang ibig lang sabihin nito ay temporary o pansamantalang tigil muna ng pagbabayad ng utang kasi nga dahil na rin sa malaking problema natin sa COVID-19.  Hindi ito panunuba!” galit na pahayag ni Marcos.

Ayon kay Marcos, malinaw ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung kinakailangang  magmakaawa at manghiram ay gawin para mabigyang solusyon ang kasalukuyang malaking problemang kinakaharap ng Pilipinas.

“Secretary Dominguez, wala ho ba kayong puso? Hindi po ba kayo naaawa sa napakarami nating mga kabayayan na naghihirap, nagugutom at namamatay!  Tulungan po natin sila,” pakiusap ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na mismong ang International Monetary Fund (IMF) ang nagsabing mahalaga ang  debt moratorium kung ang isang bansa ay may kakulangan sa pagkukunan ng pondo at may mahinang health care system para magkaroon ng pagkakataong maka bangon sa nasabing global crisis.

“We will honor our financial obligation pero sa ngayon debt moratorium muna tayo.  Hindi tayo balasubas. Kailangan natin ng pera para ipamigay sa taongbayan. Nagugutom sila!” pahayag pa ni Marcos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending