Dingdong Dantes natupad ang 'childhood dream' dahil sa ECQ | Bandera

Dingdong Dantes natupad ang ‘childhood dream’ dahil sa ECQ

Alex Brosas - April 14, 2020 - 06:10 PM

NANG dahil sa extended enhanced community quarantine, isa sa mga pangarap ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang natupad.

Isa lamang ang mister ni Marian Rivera sa napakaraming Pinoy na nabigyan ng chance na magawa ang mga bagay na gustung-gusto nilang gawin sa buhay noon at dahil nga sa ECQ ay naisakatuparan na nila nang bonggang-bongga.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Dingdong na sa wakas natutunan na niyang tumugtog ng gitara dahil nga sa dami ng kanyang libreng oras ngayon.

Ani Dong, na-inspire siya sa kanyang kaibigang si Kim Atienza na nag-post din sa Instagram ng kanyang pagkahilig sa music. Dito nag-decide siya na kumuha ng sarili niyang gitara at nag-aral ng guitar lessons online.

Ipinost ng Kapuso actor sa IG ang dalawa niyang litrato hawak ang bago niyang gitara. Mismong ang misis niyang si Marian ang kumuha ng kanyang mga photo.

Caption ni Dong, “Back in grade school, I was a drummer of an amateur rock band whose only claim to fame was winning first runner up in the school’s ‘94 Battle Of The Bands. Second out of only 2 participating groups!

“Since then, I’ve always wanted to learn how to play a whole song on guitar. The farthest I’ve reached was learning 3 chords— G, D and A, mula pa sa kabanda kong magaling mag gitara.

“I had given up on that dream not until I saw the post of @kuyakim_atienza wanting to learn the instrument during this ECQ. So ayun, kailan pa ba ako matututo kundi ngayon?!

“I am grateful to my friend (and grade school classmate) for hooking me up with one of their stocks! Mabuti na lang at may on-line tutorials din for beginners like me.

“First on the list is for my little Buddy’s celebration this coming Thursday— ang napakahirap at napakalupet na Happy Birthday song. Ikaw, ano request mo?” message pa ng award-winning Kapuso star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending