Bagets nagbirong may Covid-19, kakasuhan | Bandera

Bagets nagbirong may Covid-19, kakasuhan

- April 14, 2020 - 02:29 PM

INIHAHANDA na ang kaso laban sa 18-taong-gulang na lalaki mula Sagay City, Negros Occidental na nagbiro na mayroon siyang Covid-19, ayon sa ulat.

Dinakip ang suspek, na di pinangalanan, makaraan itong puntahan ng mga otoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Plaridel at malaman na hindi totoo ang kanyang ipinost sa social media.

Ayon sa pulisya, naalarma ang mga residente ng nasabing barangay nang mabasa ang post ng bagets na tinamaan ito ng virus.

Sa takot na mayroon nang kumakalat na Covid-19 sa kanilang lugar ay humingi ng tulong ang mga residente sa health authorities ng siyudad.

Dinala ang bagets sa ospital at ipinasuri. Kinalaunan ay inamin ng suspek na biro lang ang ipinost niya sa social media.

Kakasuhan ang bagets ng paglabag Bayanihan to Heal as One Act.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending