'May mga Pinoy na hindi pagkaligtas sa salot ang hanap kundi kamatayan!' | Bandera

‘May mga Pinoy na hindi pagkaligtas sa salot ang hanap kundi kamatayan!’

Cristy Fermin - April 14, 2020 - 01:13 PM

TOTOO namang nakakarindi ang ilang kababayan nating walang pakialam sa mga ipinagbabawal ng DOH at ng ating pamahalaan para makaiwas tayo sa mapamuksang corona virus.

    Hindi lang naman dito sa ating bansa ipinagbabawal ang pagsasama-sama dahil sa pagsunod sa social distancing, maging sa iba-ibang bansa ay mahigpit din ang ganu’ng implementasyon, pero may mga Pinoy na hindi yata pagkaligtas sa salot ang hanap kundi kamatayan.

    Tama bang sa isang roof top ay may tupada na sangkaterbang sabungero ang magkakasama? Tatlong tao na nga lang ay pinagpapayuhan pa nang isang metrong distansiya para maiwasan ang pagkahawa pero ang mga pasaway nating kababayan ay walang pakialam.

    Meron pang mga nakatira sa probinsiya na buong-ningning pang nag-post ng kanilang mga retrato habang nagpi-picnic nu’ng Sabado de Glorya.

    Bawal lumabas ng bahay pero ano ang ginagawa nila? Hindi lang sila basta naglalakwatsa, marami pa silang magkakasama, talagang sakit ang hanap nila.

    Dahil sa mga ganu’ng sitwasyon ay padagdag nang padagdag tuloy ang bilang ng mga kinakapitan ng corona virus.

 Maraming pumapanaw, lalo na sa hanay ng mga frontliners, ang mga bagong bayani ng ating bayan.

    Nakalulungkot. Gasgas na ang dila ng mas nakararami nating kababayang nagdarasal na sana’y maging ligtas ang ating bansa sa COVID-19.

    Hiling nang hiling ang mayorya na matuldukan na sana ang paglaganap ng salot, pero heto naman ang mga pasaway nating kababayan, walang pakialam at puro personal na kapritso ang inaatupag.

    Haaay, naku!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending