Derek Ramsay, Andrea Torres magpapakasal pagkatapos ng lockdown? | Bandera

Derek Ramsay, Andrea Torres magpapakasal pagkatapos ng lockdown?

Cristy Fermin - April 14, 2020 - 01:03 PM

Derek-Andrea

SIGURADO na si Derek Ramsay kung sino ang babaeng iaakyat niya sa bagong bahay na ipinagawa niya. 

Wala nang iba, si Andrea Torres na ang kanyang pakakasalan, ang tanong na lang ay kung kailan magaganap ang kasalan.

    Maayos ang kanilang relasyon, hindi lang sila basta binubuhay ng pagmamahalan, pati ang takbo ng kanilang utak at mga gusto sa buhay ay swak na swak.

    Suportado ni Andrea ang mga aktibidad ni Derek, sinasamahan nito ang kanyang boyfriend sa ibang bansa, anumang ikaliligaya ng aktor ay kaligayahan na rin ni Andeng.

    Napakahaba na nga naman ng nilalakbay ng lovelife ni Derek. Sa simula ay parang ‘yun na nga ang kanyang hinahanap, pero pagkatapos nang ilang taon ay hindi pa pala, sa hiwalayan din sila nauuwi.

    Pero kay Andrea Torres ay sure na sure na ang hunk actor, wala nang iba pa siyang gustong makasama kundi ang sexy actress, dahil parang iisa lang ang mga gusto nilang mangyari sa personal nilang buhay.

    Palipat na sana si Derek sa bagong gawa niyang bahay, pero biglang nagkaroon ng lockdown, kaya ang pagtatapos ng enhanced community quarantine na lang ang kanyang hinihintay.

    Madisiplina sa buhay si Derek, wala siyang kahit anong bisyo, alagang-alaga niya ang kanyang katawan. Pagdyi-gym lang ang kaisa-isang bisyong hindi niya kayang iwasan.

    At kahit bukod na pinagpala ang kanyang pamilya ay nagsikap siyang magbuo ng karerang pinagtagumpayan niya naman, hindi na siya umaasa ng kahit anong tulong mula sa kanyang mga magulang, ganu’n siya kadisiplinado sa buhay.

    Pagkatapos kaya ng lockdown ay magpapakasal na sila ni Andrea Torres? Napakagandang pareha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending