Kongresista nagpasalamat sa paglilinaw ng DOH kaugnay ng paggamit ng misting
NAGPASALAMAT si House Deputy Speaker Dan Fernandez sa ginawang paglilinaw ng Department of Health sa naunang rekomendasyon nito laban sa misting o spraying ng disinfectant.
Ayon kay Fernandez mayroong mga naguluhan sa naunang pahayag ng DoH na hindi nito inirerekomenda ang misting dahil walang ebidensya na nakapapatay ito ng COVID-19.
“We are grateful to the DOH for listening to the call of the people as we continue to utilize all of the resources available to combat COVID-19,” ani Fernandez. “It is very important for us to sustain the sanitation efforts that would help to slow down, if not stop the spread of the virus.”
Isa si Fernandez sa mga nagulat ng sabihin ng DoH na hindi nito inirerekomenda ang misting ng disinfectant na ginagawa na ng maraming lokal na pamahalaan.
Sa isang press briefing kahapon, nilinaw ni DoH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na maaari pa ring gamitin ng misting para sa mga health workers na nakasuot ng personal protective equipment.
Ang hindi umano inirerekomenda ay ang misting o spraying ng disinfectant sa mga ordinaryong tao dahil sa panganib na dala nito sa kalusugan.
“Direct spraying or misting on people in the community is not advisable as it will pose more risk on their health, especially persons with cough and asthma, because of the chemicals being used,” ani Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na ginagamit pa rin ang misting tent na donasyon ng aktres na si Angel Locsin sa Philippine General Hospital subalit para na lamang ito sa mga health workers na nakasuot ng PPE. Ang inalis umano ay ang pampublikong misting tent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.