Ex-PBB housemate tuloy ang laban bilang single mom; may tula para sa 2 anak
SIGURADONG relate much ang madlang pipol sa “Stay At Home Stories” short film na pinagbidahan ng single mother at Pinoy Big Brother OTSO alumna na si Hasna Cabral.
Tampok dito ang kanyang love letter para sa dalawang anak sa gitna ng COVID-19 pandemic. Pinamagatang “Yakap” mapapanood din dito ang dalawang anak ni Hasna na sina Bash at Baste.
Sa isang panayam, sinabi ni Hasna na hindi biro ang mga pagsubok at karanasan niya bilang single mom sa dalawang anak na parehong may mental condition.
“Struggle siya sa simula kasi kakatapos ko lang din po mag-aral that time, and somehow po hindi kami financially prepared po nung partner ko. Pero I tried my best po talaga,” pahayag ni Hasna.
Sa isang Instagram post, sinabi ng dating PBB housemate na sa kabila ng kundisyon ng mga anak ay proud na proud siya sa mga ito, lalo na sa kanyang panganay.
“Meet my firstborn, Bash. Diagnosed with #autism at four, I never underestimated her. She knows self respect and trusts her talents. She finds beauty in almost anything around her. I can’t be any prouder. She’s just amazing,” caption ni Hasna sa kanyang IG photo.
Samantala, bago at napapanahong digital projects ang handog ng ABS-CBN sa paglulunsad nga ng “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” na nagpapakita sa pinagdaraanan ng mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 outbreak, at “Team FitFil” na layuning palakasin ang kalasugan ng mga manonood mula sa kanilang mga tahanan.
Masasaksihan sa “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” ang iba’t ibang kwento ng pagsusumikap ng mga mamamayan na lumalaban sa buhay sa kabila ng krisis na dulot COVID-19.
Mapapanood ito sa ABS-CBN Entertainment Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork), YouTube channel, at website (ent.abs-cbn.com).
Sa unang dalawang episodes nito, napanood ang dating PBB housemate na si Aljon Mendoza bilang isang frontliner na nahiwalay sa ama dahil sa outbreak sa episode na “Kornbip,” samantalang gumanap nga si Hasna Cabral bilang isang single mother na may madamdaming sulat para sa kanyang mga anak sa “Yakap.” Nakasama rin nila ang beteranong aktor na si Jojit Lorenzo.
Samantala, ang kalusugan naman ng mga Pinoy ang binibigyang kahalagahan sa “Team FitFil,” na nagpapatunay na kailangan lamang ng apat na minuto para mapanatiling malakas ang katawan. Mapapanood ito sa ABS-CBN S+A YouTube channel (channel (youtube.com/ABSCBNSports) at eere rin sa TV sa ABS-CBN S+A araw-araw tuwing 7:30 a.m..
Ipinakikita ng fitness coaches na sina Jim at Toni Saret ng iba’t ibang 4-minute home workout routines na maaaring subukan mula sa mga tahanan, samantalang nagpapaindak naman ang dance coach na si Mickey Perz sa kanyang apat na minutong dance exercises.
Sa una nitong episode ipinakita ang fitness routine ni Robi Domingo at ng Kiwi sisters ng PBB na sina Franki Russell at Diana Mackey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.