BJMP personnel nag-donate ng bahagi ng sweldo para sa COVID-19 fight
Leifbilly Begas - Bandera April 13, 2020 - 08:04 PM
IDO-DONATE ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ang bahagi ng kanilang sahod para makatulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019.
Ayon kay BJMP spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda babawasan ng 1.5 porsyento ang sahod ng may 14,000 tauhan ng ahensya.
“Lahat po ng personnel natin tutulong po sa efforts ng national government para sa COVID-19,” ani Solda.
Aabot sa P7.23 milyon ang malilikom na pondo.
Nauna rito ay nag-donate rin ng sahod ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending