DSWD sinabihan ang publiko: ‘Mag-ingay, sumigaw’ laban sa pasaway na official
NANAWAGAN ngayon si Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista sa publiko na ‘mag-ingay’ kapag may nakikitang mga pasaway na gumagawa ng mali sa pamimigay ng dalawang buwang social amelioration program para sa mga low-income na pamilya.
“Kaya palaging panawagan ko sa ating mga kababayan, na sana mag-ingay kayo, sumigaw kayo kapag may nakita kayong talagang very obvious, sabihin na nating talagang sumusuway sa provisions ng ating batas tungkol sa social amelioration program.” ani Bautista.
Dagdag pa nya, nangako umano si Interior Secretary Eduardo Año na sususpindihin umano ang mga opisyal na mapapatunayang lalabag sa Bayanihan to Heal As One Act kung saan P200 bilyong cash aide ang ipapamahagi sa halos 18 milyong pamilya.
Isa umanong “grievance redress system” ang itinayo ng ahensya kung saan pwedeng magreklamo ang publiko 24/7 laban sa mga pasaway na local government units.
Nasa P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan ang matatanggap na subsidy ng bawat pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.