Carol Banawa Pinoy frontliner sa Amerika; tuloy ang laban kontra-COVID-19
PROUD Filipino frontliner sa Amerika ang dating Kapamilya singer-actress na si Carol Banawa.
Isa si Carol sa mga bayaning nurse na patuloy ding nagbubuwis ng buhay sa ibang bansa para maalagaan at mabigyan ng pag-asa ang mga COVID-19 patients.
Nag-post ang singer-nurse sa kanyang Instagram account ng dalawang litrato kung saan suot niya ang bagong face shield na gagamitim niya sa kanyang trabaho sa ospital.
Captio ni Carol, “New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks.
“Preparing for the incoming surge of #covid patients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go…” aniya pa.
Sa lahat ng hindi pa nakakaalam, iniwan ni Carol ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para mag-aral sa Amerika at doon na manirahan.
Nag-graduate siya ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Nursing mula sa Northern Virginia Community College noong 2018. At simula nga noon ay kinarir na niya ang pagiging medical worker sa US.
Samantala, bilang pagsaludo sa lahat ng kapwa niya frontliners magiging bahagi si Carol ng Metro’s Safe & Sound unplugged music video series kasama ang iba pang OPM artists.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng ABS-CBN’s Pantawid ng Pag-ibig campaign na naglalayong makalikom ng pondo para sa pamilyang Pinoy na naapektuhan ng health crisis sa bansa.
Nakatakdang mag-perform si Carol sa pamamagitan ng Metrodotstyle’s YouTube channel ngayong Easter Sunday, 4 p.m..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.