Robin galit na galit sa matitigas ang ulo: Manahimik muna kayo sa bahay n’yo
NANINIWALA si Robin Padilla na ang pagkakaisa ng mga Pinoy at pagsunod sa katuruan ng mga relihiyon ang magsasagip sa atin sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng Easter Sunday message si Binoe para sa lahat ng mga kapamilya at kaibigan niyang Kristiyano at Katoliko sa buong mundo.
“Bismillah – ito na ang huling araw ng Holy week ng ating mga kapatid na kristiano at katoliko ang pagdiriwang nila sa araw na ito ay malapit sa kanilang pasko.
“Hindi man tayo makasali sa kainan at kasiyahan dahil sa lockdown ay ipagdasal natin ang bawat isa sa paraan ng bawat nating
Pananampalataya.
“Tanging ang pagkakaisa at pagsunod sa mga katuruan ng ating ang mga religion ang magsasagip sa atin sa covid 19. Ito ang panahon para ikapit natin ang mga katuruan ni cristo jesus (pbuh) at propeta muhamad (saw),” mensahe pa ng mister ni Mariel Rodriguez.
Samantala, bago ito nagpahayag naman ng pagkadismaya ang action star dahil sa mga Filipino na talagang matitigas ang ulo na labas pa rin nang labas sa kabila ng enhanced community quarantine.
Sa kanya pa ring IG account, may mahabang post si Robin tungkol sa ilang kababayan nating galing Bicol na hindi na nakauwi sa kanilang mga pamilya dahil sa ECQ.
“Mga tawid dagat na construction workers galing bicol at mindanao hindi na nakabalik sa kanilang pamilya dahil sa lockdown isang beses lang daw sila dinalhan ng mga amo nila ng suporta kaya humingi ng tulong sa barangay.
“Mabuti kilala ni phet at napuntahan kahit man lang pantawid gutom nila ay maibsan ang napakahirap na sitwasyon ng mga manggagawang ito,” aniya pa.
Ito naman ang litanya ni Binoe sa mga pasaway na Pinoy: “Pakiusap sa mga matitigas ang ulo na pakalat kalat pa sa kalsada sanhi ng paglaki ng numero ng mga infected at namamatay kaya tuloy humahaba ang lockdown COOKING INA NYO!
“Manahimik muna kayo sa mga bahay ninyo at may mga padre de pamilya na nagdurusa sa pag iisip sa kanilang pamilya. yun may mga natanggap na ayuda sa gobyerno wag na kayong magreklamo.
“Pagkasyahin niyo na yan dahil may mga mahihirap din na katulad ninyo na wala pang natatanggap na kahit ano at sa mga amo na nag patay malisya na lang sa mga trabahador nila habang silay nasa mga aircon at masarap pa rin ang pagkain at pa relax relax TANGING INA NYO! @elgab18 @sapbonggo,” hugot na mensahe pa ni Robin na sinang-ayunan naman ng kanyang fans and followers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.