Angelica nagluto, nagpakain ng frontliners at biktima ng sunog sa Caloocan
NADAGDAGAN pa ang mga artistang maituturing na tunay na superhero ngayong panahon ng krisis.
Kahapon, namigay ng pagkain si Angelica Panganiban sa mga bayaning frontliners pati na sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa isang lugar sa Caloocan City.
Naghanda ng ready-to-eat meals ang grupo ni Angelica sa mismong restaurant na pag-aari niya at ng ilang kaibigan para ibahagi sa mga nangangailangan. Nagpasalamat siya sa kanyang business partners dahil pinayagan siyang doon magluto.
Ipinost pa ni Angelica sa kanyang Instagram ang litrato ng kanilang ready-to-eat meals.
“Kahapon po ay nakapag bigay kami ng 300 hundred ready to eat meals para sa ating mga frontliners at ibang lugar sa atin na nahihirapan pang makakuha ng kanilang supplies.
“Maraming salamat @tipsypig_ph (Timog branch) para sa pag bukas ng kusina, kay chef @jared_stotomas at sa mga kusinero natin na hindi nag dalawang isip tumulong. Sa napakasarap na mga inihanda ninyo. Sweet&sour shrimp, chopseuy, Pampano, baked salmon, pusit, fried chicken, blue marlin, calamares at burger.
“Salamat din sa lahat ng nakasama namin ni @pocholobarretto at sumama kayo mag repack ng pagkain. @msbarbieimperial @smokey_manaloto @legslegaspi @khangkers @rejiiie. salamat din sa mga donations.
“Naipadala po namin ang mga pagkain sa Diliman Doctors Hospital c/o Doc Reg Santos, Philippine heart center c/o Dra. Longos, at sa AFP, kasama na din ang mga nasunugan sa Caloocan kahapon. Thank you @neil_arce & @ryanordonez sa pahintulot na buksan at gamitin ang branch natin.
“P.S sinamahan na namin ng konting sayaw ang pag handa ng pagkain. Sana umabot sa inyo ang mga indak namin. Mabuhay kayong lahat!”
Pinasalamatan din ni Angelica ang mga kaibigang tumulong sa kanyang relief efforts, kabilang na sina Pocholo Barretto, Smokey Manaloto at Barbie Imperial pati na sina Chie Filomeno at Marco Gumabao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.