NARAMDAMAN ang magnitude 5.5 lindol sa Davao Occidental kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter ng lindol ay 141 kilometro sa silangan ng Jose Abad Santos. May lalim itong 52 kilometro.
Ang lindol ay naitala 2:45 ng umaga at maaaring magkaroon ng aftershock sanhi nito.
Naramdaman ang Intensity II sa Kiamba, Alabel, at Malungon, Sarangani.
Intensity I naman sa General Santos City at Tupi, South Cotabato at Gingoog City sa Misamis Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending