outbrain

Manny, Jinkee Pacquiao going back to basic: Tinuruan mga anak na maglaba

April 09,2020
share this

Manny, Jinkee Pacquiao going back to basic: Tinuruan mga anak na maglaba

April 09,2020
share this

HABANG naka-quarantine ang buong Luzon at marami na ang nabo-bored, iba ang ginawa ng pamilya Pacquiao.

Naging oportunidad ito para sa pamilya na ipakilala sa mga anak kung ano nga ba ang “basic” na pamumuhay na kanilang kinagisnan — noong panahon na hindi pa uso sa kanila ang mga kasambahay at washing machine.

Idinaan ni Jinkee sa isang post sa Instagram kung paano nila tinuruang mag-asawa ang mga anak nilang babae na maglaba.

“Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba,” chika ng misis ni Pacquiao.”

Marami namang natuwa sa ipinost ni Jinkee, at isa na rito ay si KC Concepcion.

Ayon kay KC, bigla niyang naalala ang kanyang lola na nagturo sa kanya nang tamang pagkuskos ng labada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending