Duterte nagbanta sa mga nagpapaupa na magpapaalis ng tenants | Bandera

Duterte nagbanta sa mga nagpapaupa na magpapaalis ng tenants

Bella Cariaso - April 09, 2020 - 06:09 AM

Pangulong Duterte sa kanyang public address.

NAGBANTA ngayong madaling araw si Pangulong Duterte sa mga nagpapaupa na magpapaalis sa kanilang tenants na bigong makabayad ng kanilang renta dahil na rin sa umiiral na lockdown sa buong Luzon bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa coronavirus disease (COVID-19).

“Kaya maghintay kayo lessors, nagpaparenta, huwag ninyong madaliin kasi baka wala na tayo o wala ka na makolekta. You are not even — you will not be even sure if you’d still be around to collect the money. Kaya naghihingi ako. Huwag mong pahirapan ang mga tao kasi ‘pag ang tao in-evict mo, walang korte. Hindi naman ako nagpakamarunong pa sa mga judges or the judiciary — judicial department of the government,” sabi ni Duterte sa kanyang public address ngayong Maundy Thursday.

Matatandaang sinuspinde ng gobyerno ang pagbabayad ng upa matapos na rin ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Kung magsabi ‘yang i-evict mo ‘yung tao ngayon sa bahay, sabihin ko talaga sa’yo, “P***, huwag mong sundin ‘yan.” Kung ang… Ako, nagwa-warning lang ako. Eh pilitin ninyo hindi makabayad ang pamilya tapos itapon ninyo, sarahan ninyo ‘yung bahay. Sabihin ko, ‘buksan ninyo ang bahay. Ipapasok mo ulit ‘yung pamilya,'” ayon pa kay Duterte.

Nauna nang inihayag ng pamahalaan ang extension ng Luzon-wide lockdown hanggang Abril 30, na nakatakda sanang magtapos sa Abril 12 matapos ang isang buwang implementasyon nito.

“Kung hindi mo naman pala gustong tumulong ng kapwa tao mo, sunugin na lang natin ‘yang mga apartments mo. Tutal may bumbero. Tawagin mo. Eh huwag ganun. Huwag ninyong i-pressure,” babala pa ni Duterte.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending