Iza inaatake ng survivor’s guilt: Umiiyak talaga ako…
INAATAKE ng “survivors guilt” si Iza Calzado matapos mapagtagumpayan ang kanyang laban kontra COVID-19.
Isa ang Kapamilya actress sa mga maswerteng naka-survive sa killer virus pero ang kasunod nito ay ang pagkakaroon ng sintomas ng post-traumatic stress disorder (PTSD).
Ayon sa mga eksperto, nararanasan ito ng mga taong nakaranas ng life-threatening situation at tagumpay na naka-survive rito. At ito nga ang nararamdaman ni Iza matapos gumaling sa COVID-19.
“You see the number of deaths, umiiyak talaga ako. It hits you, e, na how come I survived and they did not. People are losing loved ones in three days.
“‘Yung parang one minute they’re there then the next day, they’re not. I know what that’s like,” pahayag ng aktres sa isang panayam.
“I kind of wish that I was able to give some of my energy to the others so we could have survived this together,” lahad pa niya.
Ayon kay Iza, willing siyang mag-donate ng plasma para sa paghahanap ng posibleng gamot sa nakamamatay na virus.
“Hindi pa ako puwedeng magbigay kasi hindi pa ako 14 days from my first negative. After Easter. I’m already in touch with PGH,” aniya.
“Thank you, God. At thank you talaga sa lahat ng nagdasal, grabe. Kaya natin,” mensahe pa ni Iza.
Samantala, nilinaw naman niya na hindi umabot sa pagiging PUI (person under investigation) ang asawa niyang si Ben Wintle.
“It took us almost nine days bago makuha yung positive na test (ko). Kasama ko po si Ben, at hindi ko po dine-deny yun. PUM (Person Under Monitoring) siya, pero he was never a PUI.
“Ikaklaro ko lang po, kasi mangilang beses kaming humingi ng test para sa kanya, pero dahil nga healthy e, ni isang ubo, nothing, no fever. Hindi siya binigyan ng test kasi nga ang daming mas nangangailangan ng test kit,” ani Iza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.