Neri Naig nabiktima ng mean girls; may hugot sa baby labanos
HABANG nagha-harvest ng “baby labanos” sa farm nila ni Chito Miranda, napa-throwback ang aktres na si Neri Naig noong panahong binu-bully siya nga mga kaklase.
Nag-eenjoy ngayon si Neri kahit na naka-enhanced community quarantine pa rin sa buong Luzon kasama ang pamilya sa kanilang tahanan. Bukod sa pag-aayos ng kanilang mini-library busy din si Neri sa pag-aasikaso sa kanilang farm.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng misis ni Chito ang mga na-harvest niyang kamote, pechay, sili, repolyo, kamatis, pati strawberries.
At nang makita nga niya ang mga “baby labanos,” bigla niyang naalala ang kanyang highschool days kung saan naging biktima rin siya ng pambu-bully ng mga “mean girls” sa school.
Sa IG post niya na may title na “Ang labanos,” ikinuwento niya ang ilang hindi malilimutang bully moments nila ng kapatid na si Mimi na aniya’y naging inspirasyon niya para maging isang matapang at palabang babae.
“Maikwento ko lang, medyo mean lang pero bata pa kami noon! Haha!
“Kasi iyong isang ate ko, si Ate @mimimeow21 binubully noong grade school kami—pareho pala kaming binubully, hehe, ng mga mean girls sa school!
“Pangit daw kasi kami. ‘Di kasi kami mahilig magsuklay kaya mukha kaming witch! Haha!
“Kung ano ang mga napapanood ninyo sa movies na mga ginagawa ng mean girls, ganoong-ganoon sila! Haha!”
“Noong kapanahunan kase namin, big deal ang gardening sa T.H.E. [Technology and Home Economics] na subject.
“E, naunang nakapagpatubo [yung isang bully] ng eggplant ata yun, so kaming magkakapatid, naghigante kami, hehe!
“Pinitas namin iyong pausbong na talong! Ayun, nag-iiiyak siya noong nawawala iyong talong niya.
“Iyon na ata pinaka meanest na nagawa ko noong grade school,” kuwento ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Ang pinaka meanest na nagawa sa akin?
“Gumawa sila ng patibong at nahulog ako, at labnos talaga iyong balat ko. Ang laki ng sugat ko!
“Pagkatapos, tinawanan lang nila ako. Hindi ako makaiyak kasi masakit na nga iyong sugat, mas masakit sa pride! Haha!
“Pero hindi ako nagpatalo sa emosyon.
“Mas na-inspire ako to be a better person every day kahit bata pa ako dahil alam ko na malayo ang mararating ng mga taong mabait sa lahat, tapat, at hindi nagte-take advantage sa iba.
“Ang labanos. Bow.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.