21 inaresto sa san roque, QC nakapagpiyansa na
NAKALAYA na kahapon ang 21 residente ng Sitio San Roque sa Quezon City na inaresto ng magtapon-tipon matapos umanong mabalitaan na may magbibigay ng relief goods.
Nakapagpiyansa na ang mga nahuli matapos na magtulong-tulong ang ilang personalidad para maipon ang kinakailangan nilang piyansa. Kabilang sa nag-ambagan para sa piyansa ang pamilya ni Senator Francis Pangilinan, celebrities na sina Ria Atayde at Enchong Dee.
Bukod sa pagiipon ng piyansa ay, nahirapan ang pamilya ng mga naaresto na kompletuhin kaagad ang mga requirements para sa kanilang kalayaan.
Noong Abril 3 ay inatasan ng Quezon City Regional Trial Court ang Brgy. Bagong Pag-asa na ibigay ang mga kinakailangang clearance ng mga naaresto kanilang umaga. Subalit natapos umano ito kaninang tanghali.
Hindi rin umano kaagad tinanggap ng Quezon City Hall of Justice ang mga dokumento dahil sa teknikalidad subalit matapos ang negosasyon ay naproseso rin ito.
Nagkakahalaga ng P15,000 ang piyansa bukod pa sa P2,500 processing fee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.