Sen. Koko Pimentel inireklamo sa DOJ sa paglabag sa quarantine
ISANG abogado ang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice laban kay Sen. Koko Pimentel kaugnay ng paglabag nito sa quarantine policy ng pumunta sa ospital para samahan ang kanyang manganganak na misis.
Ayon kay Atty. Rico Quicho ipinadala niya ang kanyang Letter-Complaint sa pamamagitan ng electronic mail sa DoJ.
“The Letter-Complaint references the online charge.org Pettion that gathered around 200,000 signatures. We are one with the Filipino people in condemning negligent and reckless acts which expose the public, especially out health workers to unnecessary risks,” ani Quicho sa kanyang post sa Facebook.
Sinabi ni Quicho na lumabag si Pimentel sa Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events (RA 11332) nang pumunta siya sa Makati Medical Center noong Marso 25 kahit na dapat ay naka-quarantine ito dahil mayroon siyang mga kasama sa Senado na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Habang nasa ospital ay nakatanggap ng impormasyon si Pimentel na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
“He has categorically admitted his breach without remorse. And yet because of his position, he is still not being made accountable,” ani Quicho.
“As a lawyer and advocate of the rule of law, I cannot in good conscience allow the reckless actions of Sen. Koko Pimentel to be brushed aside so easly. He blatantly violated law, which put the lives and health of frontliners and even ordinary citizens at grave risk.
Ilang araw bago pumunta sa ospital ay pumunta rin umano si Pimentel sa S&R BGC para mamili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.