ARESTADO ang apat katao sa pagsasabong sa Quezon City kahapon kahit na mayroong enhanced community quarantine.
Inaresto ng Batasan Police sina Jeraldo Roxas, 32, Agosto Ygat, 44, mga taga-Marikina City, Joel Fulguera, 43, at Fernando Lasar, 58, ng Brgy. Old Balara.
Nagsagawa ng anti-criminality operations ang pulisya sa Sitio Payong, Area I, Brgy. Old Balara, alas-11 ng umaga at naaresto ang mga suspek.
Nasamsam sa kanila ang dalawang panabong, dalawang tari at P500 pusta.
Pinaalalahanan naman ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang publiko na huwag maging pasaway at manatili sa bahay.
“Nakakalungkot isipin na may mga kababayan pa rin tayong pasaway. Imbes na manatili na lang sa loob ng bahay ay nasa labas pa sila at nahuling nagsasabong kaya po natin sila inaresto,” ani Montejo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.