Mayaman na hindi kasali sa social amelioration ang dapat bilangin | Bandera

Mayaman na hindi kasali sa social amelioration ang dapat bilangin

Leifbilly Begas - April 05, 2020 - 05:47 PM

MAS mapabibilis umano ang paghahanap ng kuwalipikadong makatanggap ng social amelioration program kung sisimulan ang pagbibilang sa mga hindi kasali.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate mas konti ang bilang ng mga hindi kasali sa bibigyan ng tulong ng gobyerno kaya mas mabilis itong matatapos kumpara sa pagbibilang kung sino ang dapat na tulungan dahil ito ay higit na nakararami.

“Assuming there are currently 20 million families (108 million population) nationwide and P200 billion is intended for 18 million families for 2 months (or P100B/month) and P5,000-P8,000 assistance per family per month is to be given. Then, 18 million families represent 90% of the total families nationwide (or 90% of the whole population) are the target recipients,” ani Zarate.

Ayon kay Zarate, nasa 10 porsyento lamang o 2 milyong pamilya ang kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at nasa 50 porsyento naman o 10 milyong pamilya ang nagbenepisyo sa pagbabawas ng buwis na ikinakaltas sa suweldo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

 “Our suggestion from Bayan Muna, instead of identifying the 18 million families eligible, might as well, reverse the process. Government should identify the houses of those 2 million families belonging to the rich and the richest of the rich, that are not eligible for the assistance. This will practically result on almost all families/all houses on almost all communities to be eligible to the social assistance,” saad ng solon.

Ang proseso umanong ginagamit ng DSWD at lokal na pamahalaan sa pagpili ng mga tutulungan ay mahabang proseso na magreresulta sa mas mahabang paghihintay ng mga nangangailangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending