Angeline napaiyak, may hugot sa pumanaw na ama; Anne nganga!  | Bandera

Angeline napaiyak, may hugot sa pumanaw na ama; Anne nganga! 

Ervin Santiago - April 05, 2020 - 03:26 PM

BIGLANG napaiyak si Angeline Quinto sa isang bahagi ng mystery music game show na I Can See Your Voice kagabi sa ABS-CBN.

Isa sa mga hindi malilimutang episode ng ICSYV hosted by Luis Manzano ang ini-replay kagabi ng produksyon kung saan tumayong celebrity guest si Anne Curtis.

Isa sa mga tinanggal ni Anne sa mga contestants ay isang certified See-nger na naging emosyonal habang kinakausap ni Luis. 

Ayon kasi sa female contestant, ipinagpapatuloy niya ang pagkanta para sa mga magulang at isa sa mga rason kaya siya sumali sa I Can See Your Voice ay dahil sa kanyang ama.

“Kasi kapag sumasali ako sa mga singing contest, hindi nakakapanood ang father ko kasi lagi siyang nasa field of work, kaya ang wish niya sana raw ay mapanood niya ako sa TV, kaya talagang gumawa ako ng paraan para makasali rito. Ngayon masasabi na niya na anak ko yan, singer siya,” ang umiiyak na pahayag ni Bianca Garcia.

Dito na naluha si Angeline na umamin sa madlang pipol na nata-touch siya kapag nakakarinig ng mga ganu’ng kuwento dahil ganito rin ang naging experience niya sa sariling ama.

“Medyo natatamaan kasi ako sa kwento niya, kasi nu’ng buhay ang tatay ko, hindi ko siya narinig na ipinagmalaki niya ako, pero nu’ng nanalo ako sa Star Power, first time niya akong sinabihan na ‘I love you anak.

“Kaya kapag nakakarinig ako ng ganyang kuwento, naaalala ko ang tatay ko. Pero kahit wala na siya, alam ko proud siya sa akin,” lumuluha pang sabi ni Angeline.

Samantala, “nganga” naman si Anne sa ending ng laban dahil Seen-tunado ang napili niyang contestant sa huli na naka-duet niya sa kantang “Halik” ng Aegis. Pero aniya, proud pa rin siya sa kanyang choice sabay sigaw ng, “Mabuhay ang mga Seen-tunado!”

Hindi nakuha ni Anne ang premyong ICSYV trophy pero nag-uwi naman ng P25,000 si Kate Hao na isang estudyante na nagtitinda sa kanilang school para kumita ng extra para sa kanyang pag-aaral.

In fairness, kahit replay na ang nasabing episode, talagang tinutukan pa rin ito ng madlang pipol. Napapanood ang ICSYV tuwing Sabado ng gabi after Maalaala Mo Kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending