4 kalaboso sa overpriced na alkohol, binebenta ng P875/galon
ARESTADO ang apat katao sa pagbebenta umano ng overpriced na alkohol sa Quezon City kahapon.
Sina Elison Romero, 36, John Paul Kevin Gajes, 27, mga taga-Silang Cavite, Jessie Calicdan, 24, at Macleonita Landines, 20, mga taga- Brgy. Tatalon ay naaresto sa entrapment operation.
Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng overpriced na alkohol na ibinebenta umano ng mga suspek. Matapos makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry ay isinagawa ang entrapment operation laban sa apat na suspek.
Ibinebenta umano nila ang isang galon ng alkohol sa halagang P875 malayo sa P512 na suggested retail price nito.
Hinuli ang mga suspek alas-12:05 ng tanghali kahapon malapit sa kanto ng Quezon Ave. at Tuayan st., Brgy. Tatalon.
Narekober umano sa kanila ang 10 kahon ng Medi-Grade Ethyl Alcohol (500ML) na may lamang 18 bote, 106 Medi-Grade Pharmaceutical Ethyl Alcohol (3.6 liters), limang galon ng Ethyl Alcohol, isang Foton Gratour L300 van (NFW2969) at itim na Yamaha Mio Sporty (NG-98334).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.